0

Plano umano ng self-confessed hitman at Davao Death Squad (DDS) member at Senate committee extra-judicial killings hearing witness na si Edgar Matobato na magsampa ng kasong crime against humanity laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC) sa The Hague, Netherlands.

Ito ang binigyang-diin ni Atty. Jude Sabio, bagong abogado ni Matobato, kasabay ang pahayag na walang immunity si Duterte sa nasabing hukuman.



Aniya, ang crime against humanity ay nagaganap kung ang mga pagpatay sa mga tao ay kagagawan o kaya'y suportado mismo ng pamahalaan.

Mismong si Matobato ang nagpahayag na narinig niya ang mga pag-utos ni Duterte na patayin ang mga taong sagabal sa pag-unlad ng Lungsod ng Davao noong alkalde pa lamang siya.

Loading...
Una na umanong nagpahayag si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na mababasura lamang ang naturang criminal complaint.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top