0

Isang 35-anyos na ama ang dinakip ng awtoridad makaraang gawin nitong sex slave ang kanyang 11-anyos na anak na babae sa tuwing ito ay nasa ilalim ng ispiritu ng alak at mismong kanyang kinakasama ang nagpakulong sa suspek matapos muling reypin ang biktima sa loob ng kanilang bahay sa Brgy. Sta. Ines, San Miguel, Bulacan kamakailan.



Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nene (hindi tunay na pangalan), 11-anyos, grade school student at residente ng Brgy. Sta. Ines, San Miguel na nagsampa ng reklamo laban sa kanyang sariling ama na nakilalang si Domingo Tablong y Paciles, 35, hollow block maker at nakatira rin sa lugar na nakapiit na ngayon at nahaharap sa kasong rape.

Loading...
Nabatid na mara­ming beses nang minomolestiya ng suspek  ang kanyang sariling anak sa tuwing lasing ito sa loob ng kanilang bahay.

Nitong Setyembre 12, muling ginapang ng suspek ang kanyang anak  kaya nagsumbong na ito sa kanyang step-mother at ilang kaanak.

(Abante).


Loading...

Post a Comment

 
Top