0

Bigo ang kampo ng high profile na inmate ng Bilibid na si Jaybee Sebastian na masampahan ng kaso si Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Atty. Eduardo Arriba, abogado ni Sebastian, ang kaso ay may kinalaman sa paglabag ng dating Justice Secretary sa sec. 3 ng anti-graft and corrupt practices act na nagpaparusa sa mga opisyal ng gobyerno na nagdulot ng pinsala o panganib sa buhay dahil sa pagtupad ng kanyang trabaho.

Nag-ugat aniya ang kaso sa pagbalewala ni de Lima sa sulat ni Sebastian na humihiling na huwag siyang ilipat sa Building 14 sa loob ng New Blibid Prisons dahil sa malalagay sa panganib ang kanyang buhay.



Hindi tinanggap ng Ombudsman ang reklamo ni Sebastian dahil kailangan sa ilalim ng batas ang personal appearance nito.

Kasama sa pinakakasuhan ni Sebastian sina dating Bureau of Corrections Dir. Ricardo Ranier Cruz at dating New Bilibid Prisons Dir. Richard Schwarzkopf.

Inalmahan din aniya ni Sebastian ang paglalantad sa kanya ni de Lima bilang isang government asset na ipinagbabawal sa batas.

Loading...
Si Sebastian ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos na saksakin ng ice pick sa isang rambol sa loob ng Building 14 ng New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Bukas aniya ay babalik si Atty. Arriba sa Ombudsman kasama ang misis ni Sebastian para personal na panumpaan ang kanilang reklamo at irefile ang kaso.

Sinabi ng kampo ni Sebastian na tinangka siyang patayin sa loob ng bilangguan makaraang ihayag ni de Lima na asset ito ng pamahalaan.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top