0

Kaawa-awa ang sina­pit ng isang dalagang kahera matapos na mala­sing ay ginahasa ng kanyang kainuman sa Malabon City kahapon ng madaling-araw nang hindi man lang nito nalaman sa sobrang kalasingan.

Sa ulat ng Malabon City Police-Women and Children Protection Desk (WCPD), ganap umanong alas-4:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa bahay ng itinago sa pangalang Len-Len na kaibigan ng biktimang itinago naman sa pangalang Kelly, 23.

Niyaya umano ni Len-Len ang biktima sa bahay na nila matulog dahil sa wala itong kasama at pumayag naman si Kelly. Pagkatapos ay nagka­yayaan ang dalawang mag-inuman.



Dumating naman ang kaibigan ni Len-Len na si Mark Joseph Reyes, 22 ng Judge Oreta Street, Brgy. Tonsuya ng nasabi pa ring lungsod at uminom din.

Nang magkalasingan na ay natulog na sina Len Len at Kelly sa magkaibang silid at iniwan si Reyes na nakatulog na rin sa sofa.

Nagising na lamang si Len-Len sa kaluskos ga­ling sa silid ni Kelly at pag­labas niya ay nakita nito si Reyes na nagsasara ng suot na short galing sa silid ng biktima.

Loading...
Nang puntahan ang kaibigan ay nakita ni Len Len na tulog pa rin ito pero may mga bahid na ng dugo ang hinihigaan. Nakita rin niyang baliktad ang suot na panty at palda nito. Ginising nito ang biktima at palihim na isinama sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang suspek.

Mabilis namang pinuntahan ng mga awtoridad ang bahay ni Len-Len at naabutan pa roon ang suspek na ngayon ay nakakulong sa kasong pag­labag sa RA 8353 o anti rape law of 1997.

(Abante Tonite).


Loading...

Post a Comment

 
Top