0

Hawak na ng pulisiya ang kabuuang CCTV footage kung saan tinambangan ang dating asawa ng kilalang drug lord na si Kerwin Espinosa.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo kay Police Chief Insp. Jude Naveda kanyang sinabi na na-record ng naka-install na CCTV camera sa establisemyento kung saan binaril si Analou Llaguno noong nakaraang araw.



Ayon pa kay Naveda na bukas ng umaga ay i-turnover ng station 11 ang cctv footage na isinailalim pa sa pagsisiyasat.

Sa inisyal na imbestigasyon ay hindi umano naka-helmet ang gunman na sakay sa motorsiklo.

Ang nasabing CCTV footage ay posibleng maging daan sa pagtukoy sa pagkakilanlan ng tatlong lalake na sakay sa motorsiklo.

Loading...
Noong Biyernes ng hapon ay tinambangan ng tatlong lalakeng lulan sa isang motorsiklo ang dating misis ni Kerwin na sakay din sa motorsiklo na minamaneho ni Joseph Romarate na kasintahan umano ng biktima.

Samantala, kinumpirma ng PNP na si Llaguno ay dating asawa ni Kerwin na naging girlfriend din ni Jeffrey "Jaguar" Diaz hanggang sa ito ay mamatay.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top