0

Arestado ang isang Italian national sa isinagawang drug buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 10 sa lungsod ng Cagayan de Oro.



Sa ulat ng BNFM Cagayan de Oro, inihayag ni PDEA spokesperson Ben Calibre na matagal na nilang minaman-manan ang suspek na kinilalang si Nichola Notor Tomaso, 40-anyos, dahil sa pagtutulak ng iligal na droga.

Loading...
Narekober kay Tomaso ang limang pakete nang pinaniniwalaang shabu at buybust money.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

(Brigada).


Loading...

Post a Comment

 
Top