0

Itinutulak ni Sen. Sonny Angara na dapat magkaroon ng isang college graduate sa bawat pamilyang Filipino.

Kasabay nito, nanawagan ang senador ng malaking pondo para sa scholarship program ng gobyerno upang makapagbigay ng libreng college education sa mahihirap na estudyante sa bansa.

Sa ilalim ng 2017 budget proposal, P5.6-billion ng kabuuang P13.4-billion budget ng Commission on Higher Education (CHED) ay nakalaan sa scholarship programs.

Sa budget hearing ng CHED, tinanong nina Sen. Loren Legarda at Sen. Angara kung magkano ang magagastos sa libreng college education sa lahat ng estudyante na aka-enroll sa state universities and colleges (SUCs).

Ayon kay CHED Sec, Patricia Licuanan, P258-billion kada taon ikunsedera na ang pagtaaas ng enrollment sa SUCs kasama na ang mga estudyante mula private schools.



Sa kasalukuyan tinatayang 4.1 million students ay naka-enroll sa higher education institutions—1.9 million sa public schools at 2.2 million ay nasa private schools.

Ayon sa senador dapat na maging prayoridad ng gobyerno ang pinakamahihirap sa mahihirap na estudayante sa pagbibigay ng libreng edsukasyon.

“Despite the great efforts of the government to widen the access to education, the reality is that majority of our poor families are still unable to send their kids to school. Our challenge now is to ensure that every Filipino family will be given the opportunity to have at least one college graduate who will help them rise from poverty,” ani Angara.

Inihain nito ang Senate Bill 133 o ang “One Family, One Graduate Act” para sa mahihirap pero deserving students, na nagbibigay prayoridad sa beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)ng gobyerno, isanmg libreng college education hanggang sa sila’y makatapos.

Ang panukalang batas na ito ay nagbibigay ng Expanded Student Grants-in-Aid Program for Poverty Alleviation (ESGP-PA) ) ng CHED na iniaaward sa student-grantees sa ilalim ng 4Ps ang maximum na P60,000 per academic year para sa matrikula at iba pang bayarin.

Loading...
Sa kasalukuyan, tanging 40,000 students ang nakaka- avail ng grants-in-aid sa kabuuan ng 4.4 million household-beneficiaries ng 4Ps.

“Aside from tuition, poor families are also burdened by the costs of dorm, fare, food, books and other basic school supplies. It’s great that this grant includes stipend to further assist the parents with the expenses,” ayon kay Angara.

Samantala, hinimok ni Legarda ang CHED na gawing prayoridad ang science, technology, engineering, agri-fisheries, at mathematics (STEAM) courses sa pagbibigay ng scholarships.

Kapwa sinabi ng dalawang senador na suportado nila proposed budget sa higher education kasabay ang rekomendasyon na tataasan ang alokasyon sa scholarship programs.

(Remate).


Loading...

Post a Comment

 
Top