0

Kaniya-kaniyang tanggi ang mga Senador sa naging aligasyon ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na may isang Senador umano ang gumagamit ng Cocaine.

Ayon kay Senate President Koko Pimentel, tiyak na hindi siya ang tinutukoy ng batang Duterte habang wala namang ideya si Senador Ralph Recto kung sino iyon.



Iginiit naman ni Majority Floor Leader Tito Sotto na nagpa-drug test na sila ni Senador Gringo Honasan nuong panahon ng kampaniya at napatunayan namang nagnegatibo sila sa ipinagbabawal na gamot.

Loading...
Handa namang magpa-drug test si Senador Sherwin Gatchalian upang ipahayag ang kaniyang pagsuporta sa kampaniya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top