0

Kinumpirma nang isang mataas na opisyal ng Philippine National Police na mayroong mga artistang nagtungo sa Camp Crame para boluntaryong magpa-drug test.

Alas 11:00 ng umaga kanina ng umano’y isagawa ang drug test. Ginawa ang drug testing sa PNP crime laboratory.



Kabilang sa mga nagtungo sa PNP para kusang magpa-drug test sina Epy Quizon, Mylene Dizon at Joel Torre.

Samantala, nakipagpulong din ang samahan ng mga artista kay PNP Chief Ronald Dela Rosa.

Ayon kay Rez Cortez, Presidente ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon, nais nilang ipahiwatig ang kanilang intensyon na makipagtulungan sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan.

Loading...
Susubukan din umano niyang pakiusapan si Dela Rosa na huwag nang isapubliko ang mga artistang umanoy nasa narco list ni Pangulong Duterte.

Samantala sa Facebook page ng aktor na si Cesar Montano, ipinost nito ang larawan niya at ni Epy kasama si Dela Rosa.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top