0

Mariing pinabulaanan ng kampo ni dating Pangulo at kasalukuyang Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ang mga isyung ibinabato ngayon laban dito ni Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Atty. Lary Gadon, abogado ni Arroyo, kitang kita ang mga bakas na naiwan ni De Lima hinggil sa mga iligal na transaksyon nito sa loob ng New Bilibid Prison.



Wala na raw kinalaman ang dating pangulo sakaling matuloy man ang mga kaso laban sa senadora.

Sinabi kasi ni De Lima na nakikipag-tulungan daw si Arroyo kay Pangulong Rodrigo Duterte para pabagsakin siya dahil na rin sa pagsampa niya ng kaso laban sa dating pangulo dahil sa pork barrel scam.

Loading...
Binigyan diin naman ni Gadon na malinaw na makikita sa House Justice committee report na may kinalaman si De Lima sa kalakaran ng iligal na droga sa loob ng national penitentiary.

Dagdag pa ni Gadon, walang nagsabwatan para pabagsakin ang senadora sapagkat ang nangyayari daw ngayon sa buhay nito ay resulta lamang ng naging aksyon nito.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top