0

Nilinaw ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial na pinapayagan ng Food and Drug Administration ang "compassionate use" ng Marijuana sa kondisyong mayroon itong special permit mula sa FDA at limitado lamang umano. 

Ayon kay Ubial, batid naman umano niya na may ilang doktor na nagrerekominda ng Marijuana sa kanilang pasyente pero hindi pa umano nakakatanggap ang FDA ng special permit.



Ayon naman kay Dangerous Drugs Board (DDB) Executive Director Benjamin Reyes, bagama't ikinokonsidera ng World Health Organization na delikado o bawal ang paggamit ng marijuana pero kinikilala umano ng ahensya ang “potential" medical benefits nito. 

Ang naturang bagay ay lumabas sa gitna ng kontrobersyal na pagkakaaresto sa actor na si Mark Anthony Fernandez matapos mahulihan ng Marijuana sa kanyang posesyon.

Loading...
Depensa ni Fernandez, halos walong taon na umano siyang gumagamit ng canabis bilang panlaban sa cancer. 

Mababatid na ilang lugar sa US ang nag-apruba na sa medical use ng Marijuana.

(Brigada).


Loading...

Post a Comment

 
Top