0

Hindi man kapartido, pasado at sang-ayon si Senate Minority Leader­ Ralph Recto sa mataas na markang ibinigay ng taong­bayan sa unang 100-araw na panu­nungkulan ni P­angulong Rodrigo Durterte.

Pangunahing basehan ni Recto sa kanyang ibi­nigay na passing grade sa Pangulo ay ang giyera nito kontra droga na malinaw namang matagumpay base na rin sa nakikitang resulta.



“Tulad ng maraming­ kababayan natin, malaking­ marka ang ­ibinigay sa ating Pangulo­ gayundin naman ako. ‘Yung kampanya laban sa droga at krimen is apparently working,” ayon pa kay Recto.

Pagdating naman umano sa direksiyon ng Duterte administration, masasab­i umano niyang malinaw ang direksiyon nito tulad na lamang ng mga isinusulong nitong proyekto sa ekonomiya at imprastruktura bukod sa naisumite umano ang budget on time.

Loading...
“May direction naman ‘yung mga programa nila,” ayon kay Recto, kasa­bay ng pagsasabing ang bahagya lamang niyang ikinabahala ay pagdating sa foreign policy.

Dulot na rin umano ito sa mga binitiwang pahaya­g ng Pangulo laban sa Estados Unidos at European Union na maaarin­g makabawas sa pagpasok ng investment.

(Abante Tonite).


Loading...

Post a Comment

 
Top