0

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pulong kay Chinsese President Xi Jinping at iba pa nitong opisyal, na ang Scarborough Shoal ay pagmamayari ng Pilipinas.

Inihayag ito ni Duterte sa kanyang pagbisita at pagbahagi ng tulong sa mga nasalanta ng supertyphoon Lawin sa Tugegarao City, Cagayan.

Bagamat nanindigan din daw ang China na pagmamayari rin nila ang Scarborough Shoal, sinabi naman ni Duterte na pumayag naman ang Beijing na payagang mangisda ang mga Pilipino sa pinag-aagawang teritoryo.



Pero hindi naman daw niya sigurado sa ngayon kung tutupad ang mga Intsik sa napag-usapan nila.

Dagdag pa ni Duterte, kailangan lamang daw maghintay ng mga Pilipinong mangingisda ng ilan pang araw para makabalik doon.

Loading...
"Ako na mismo ang nagsabi kung makabalik tayo sa Scarborough, bilang may-ari, sila rin naman nagsabi na [sila ang] may-ari, ako na mismo magsabi na huwag kayong mangisda diyan (inner lagoon)," ani Duterte.

Samantala, sa kanyang talumpati, sinabi ng Pangulo na magbibigay ang China ng $24 billion o mahigit P1 trillion bilang soft loans sa Pilipinas.

Gagamitin niya umano ang perang ito bilang pang-pondo sa industirya ng agrikultura, at pagpapatayo ng maliit na sari-sari stores na siyang magsisilbing financing centers sa mga mahihirap na kumunidad.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top