0

Ipinagmalaki ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang matapos ang ipinagagawang drug rehabilitation center sa Fort Magsasyay sa Nueva Ecija.

Ayon sa pangulo, ang pamahalaan ng China ang nagpondo sa pagpapagawa ng naturang rehab center.



Aminado si Duterte na hindi niya batid na ang China ang tumulong sa pagpapagawa ng naturang pasilidad.

Loading...
Saka lamang nalaman ng pangulo na ang Chinese government ang nagpondo sa rehab center nang malapit na itong matapos.


Ang pagkakaalam ng pangulo, inatasan lang niya ang Armed Forces of the Philippines na buksan ang kanilang mga kampo para sa pagpapagawa ng mga rehab centers sa bansa.

Nabatid na aabot sa 10,000 drug addicts ang kayang patuluyin sa nasabing drug rehab facility.

(Radyo Inquirer).



Loading...

Post a Comment

 
Top