0

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya natatakot sa mga binabalak ng ilang grupo lalo sa Metro Manila na magsagawa ng rally sa susunod na taon para daw patalsikin siya sa puwesto.

Sinabi ni Pangulong Duterte, hindi uubra sa kanya ang mga pananakot at babalang ipa-impeach o ikudeta siya dahil naniniwala siya sa destiny o kapalaran.



Ayon kay Pangulong Duterte, kung talagang maging presidente lamang siya ng dalawang buwan, isa ol dalawang taon, tatanggapin daw nito bilang bahagi ng destiny.

Hindi rin daw nito hinangad o pinangarap maging pangulo pero ipinagkaloob sa kanya ng Panginoon at wala siyang takot kung babawiin ito sa kanya.

Loading...
"Why? It was in the messaging. Why? Because I tend to believe now, that it was God who gave it to me. And sabi nila, “ ay ‘yan mawala ‘yan i-impeach.’ Ako taya ako honor, buhay, pati ang pagka-Presidente ko. Huwag ninyo akong takutin ‘yang mga taga-Manila na mag-rally kayo next year paalisin niyo ‘yan. Kasi pag napaalis ako, that is part of my destiny. Na ang destiny ko ma-Presidente isang  taon lang ako. Ganun ‘yan, so do not magsabi na Duterte sa mga newspaper na warningan ako, mag-kudeta mag ano," ani Pangulong Duterte.

"Kasali ‘yan sa destiny ko na kung ma-Presidente ako ng dalawang buwan lang, dalawang taon, that is part of what destiny, what God gave me. Hangang diyan ka lang, tapos. So hayaan kong takutin ‘yan mga mag-kudeta, magkudeta paalisin tapos people power, ay anak ka na ng."

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top