0

Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na destiny ang pagkakapanalo niya bilang Pangulo para maresolba ang malala na palang problema sa iligal na droga sa bansa.

Kasabay nito, binigyang-diin ng Pangulo na hindi titigil ang kanyang administrasyon sa kampanya kontra iligal na droga.

“The drug campaign will not end,” ani Duterte sa paglulunsad ng “Mentor Me” program ng Go ­Negosyo sa Davao City kamakalawa.



“I will not renege on that. There shall be no ­reduction in substance or in form,” dagdag nito.

Matindi ang paninindigan ni Pangulong Duterte na tuldukan ang problema sa iligal na droga sa bansa simula nang maluklok sa puwesto noong Hunyo 30.

Loading...
Binigyang-diin nito na kailangan niyang ipagbawal ang iligal na droga habang siya ang pinuno ng bansa upang maisalba pa ang mga susunod na henerasyon mula sa perwisyong hatid nito na sumisira sa relasyon ng bawat pamilya at lipunan.

“Somebody has to do it for the Filipino. It’s a matter of maybe destiny,” sabi pa ni Duterte na hindi niya inaasahang na maging alkalde ng 23-taon at kalaunan ay maging Pangulo pa ng bansa.

(Abante Tonite).


Loading...

Post a Comment

 
Top