0

Humingi ng paumanhin si Sen. Leila de Lima matapos siyang mag-walk out kagabi sa pagdinig ng Senate committee on Justice and Human Rights hinggil sa umano'y extrajudicial killings sa bansa sa gitna ng kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.



Paliwanag ni De Lima na siya ay sadyang nasaktan lamang makaraang pagtulungan umano siya ng mga kasamahan niya sa senado.

Iginiit din nito na hindi niya deserve ang kanyang pinagdaraanan sa ngayon.

Loading...
Kanya rin namang binigyan diin na wala siyang ikinubling impormasyon, partikular sa kidnap for ransom case na inihain laban sa self-confessed assasin at Senate witness na si Edgar Matobato.

Samantala, nilinaw naman ni De Lima na ang kanyang paghingi ng dispensa ay para lamang sa publiko at hindi para sa kapwa niya senador.


Siya raw ay naghihintay rin sa ngayon na humingi sa kanya ng paumanhin ang kanyang mga kasamahan na umano'y naging mabilis sa pagbato sa kanya ng mga walang basehang alegasyon.

"I wish to apologize for the outrage last night, and the walkout. But I'm addressing po itong apology sa publiko, kasi naghihintay rin po ako ng apology doon sa mga kasamahan ko. Masyado hong masakit at hindi katanggap-tanggap yung inaakusahan ka ng bagay, o mga bagay na hindi mo naman ginawa o ginagawa," ani De Lima.

(Bomboradyo).



Loading...

Post a Comment

 
Top