0

Magsasampa umano ng writ of amparo at writ of habeas data si Sen. Leila de Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaasahang magiging test case ito para sa bisa ng immunity ng isang presidente ng ating bansa.



Bagama't tumanggi na ang senadora na idetalye ang magiging laman ng kaniyang ihahaing reklamo, tiniyak naman nitong idudulog ang complaint sa Supreme Court (SC) sa lalong madaling panahon.

Naghahanda rin umano ang kampo ng senadora ng kasong isasampa sa mga nagparatang at nagdawit sa pagkakasangkot nito sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP).

Loading...
Nais din nitong sampahan ng disbarment ang mga abugadong agad na nagparatang sa kaniya kahit walang sapat at matibay na basehan.

"Hindi lang si Pangulong Duterte po. Kakasuhan ko rin po. I'm going to file a test case na may mga pagkakataon po na hindi puwedeng i-invoke ang presidential immunity. So ito po ang test case na ito. Kasama yan sa writ of amparo, habeas data. Meron pa ho akong mga iba. But I would not be laying all my cards on the table kasi baka paghandaan po ako ng mga yan, lalo na napaka-lopsidede ng laban. Ako lang po nandito. And then, sila yung mga kalaban," wika ni De Lima.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top