0

Muling inulit ni Sen. Leila De Lima ang kanyang dating naging pahayag na handa siyang magpabaril sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kung mapapatunayan na totoo ang mga akusasyon laban sa kanya na laman ng isinagawang imbestigasyon ng Kongreso.

Sa kanyang pagsasalita sa isang forum sa St. Scholastica’s College sa Maynila, sinabi ni de Lima na hanggang sa kanyang kamatayan ay handa niyang ipagtanggol ang sarili laban sa mga maling paratang.



Inamin ng mambabatas na masama ang kanyang loob dahil mga dati niyang tauhan sa Department of Justice ang nagdidiin sa kanya sa kasalukuyan sa Kamara.

Tungkol sa isyu ng sex video, sinabi ni De Lima na hindi na dapat pinag-uusapan sa pagdinig ng Kongreso ang tungkol dito dahil nauna nang sinabi ng liderato ng kamara na hindi na nila ipipilit ang pagpapalabas nito sa ginagawang pagdinig.

Loading...
No comment naman si de Lima sa muling pag-ugnay sa umano’y naging relasyon nila ng kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan.

Sa huli, sinabi ni de Lima na ginagawa na lamang siyang pantakip sa isyu ng pamahalaan para itago ang mga kapalpakan ng Duterte administration tulad ng isyu sa masikip na daloy ng trapiko at pagbagsak ng halaga ng piso kontra dolyar. 

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top