0

Dalawa ang patay samantalang tatlo ang sugatan sa hostage incident na naganap sa isang mall sa Dasmariñas City, Cavite Linggo ng hapon.

Kabilang sa nasawi ay ang mismong hostage taker na si Carlos Lacdao, 32-anyos tubong Leyte at isang lalakeng biktima nito na nakilala sa pangalang Roberto Rosales, 48 years old.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay dating Cavite Governor Jonvic Remulla, naganap ang hostage drama lower ground restroom sa loob ng SM Dasmariñas.



Kwento ni Remulla, hinahanap ni Lacdao ang kanyang misis na isang bathroom attendant sa naturang mall.

Ang asawa sana ang kukomprontahin ni Lacdao, ngunit nang hindi niya ito matagpuan, ay nagwala ito at nanghostage ng labing-isang mga namamasyal sa mall.

Sa pagwawala ng suspek, napuruhan nito ng saksak ang biktimang Rosales na siya nitong ikinamatay.

Loading...
Tatlo pang biktima ang sugatan na nakilalang sina Jolabelle Sumalin, Rodel Lozano at Michaela Mae Honor na nagtamo rin ng mga tama ng saksak sa katawan.

Matapos ang pananaksak, hinostage naman ng suspek ang biktimang si Mylene Balajadia gamit ang patalim.

Sa kasagsagan ng hostage negotiations, dumating ang asawa ng suspek at mga anak na lalo nitong ikinagalit.


Dahil dito, napilitan na ang mga otoridad na paputukan ang suspek na ikinamatay nito.

Ayon kay Cavite Police Chief Sr. Supt. Arthur Bisnar, nais sanang komprontahin ng suspek ang misis nito dahil sa selos sa isa sa mga katrabaho umano nito.

Gayunman, nang hindi natagpuan ang misis, nagwala ang suspek at hinostage ang mga biktima.

(Radyo Inquirer).



Loading...

Post a Comment

 
Top