0

Nagkasundo ang Pilipinas at China na magtulungan sa kampanya kontra sa iligal na droga.

Sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Isidro Lapeña na isang protocol of cooperation ang kanyang nilagdaan kasama ang kanyang mga counterparts sa Beijing.



Laman ng nasabing kasunduan ang sharing of informations para sa listahan at profile ng mga suspected drug personalities sa Pilipinas at China.

Nagkasundo rin ang PDEA at ang Narcotics Bureau ng Ministry of Public Security ng China sa pagbibigay ng mga impormasyon kaugnay sa galaw ng mga sindikato ng droga sa dalawang bansa.

Loading...
Ipinaliwanag din ni Lapeña na malaking tulong ang pinagtibay ng China na $9 Billion soft loan sa bansa na nakasentro sa pagpapatayo ng mga drug rehabilitation centers.

Nauna dito ay isang drug rehab center ang ipinatayo na ng China sa loob ng Fort Magsaysay sa Nueva Ecija na may kapasidad na 1,400.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top