0

Ipinag-utos ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa lahat ng mga checkpoints na hindi naman kailangan.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa isinagawang paglulunsad ng Comprehensive Reform and Development Agenda sa ARMM at iba pang conflict affected areas sa Regions IX, X at XII sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex (SKCC), Office of Regional  Governor (ORG) Compound, Cotabato City.



Sinabi ni Pangulong Duterte, napapatagal ang pagbiyahe papunta sa iba't ibang lugar sa Mindanao lalo sa Cotabato City dahil napakaraming checkpoints na pagdadaanan.

Loading...
Ayon kay Pangulong Duterte, maliban sa AFP, may sariling checkpoint din ang MILF, MNLF at saka PNP.


Kaya kung hindi naman daw kailangan, dapat ng buwagin ang mga checkpoint para hindi mahirapan ang mga bumibiyahe.

(Bomboradyo).

Loading...

Post a Comment

 
Top