0

Isang Canadian national ang ikinulong sa Pilipinas ng panghabang buhay dahil sa pagbebenta ng 160 tableta ng ecstasy.

Si Jeremy Eaton, 34, ay inutusan din na magbayad ng fine sa halagang 500,000 pesos ($10,000) matapos syang madakip sa isang isinagawang raid noong buwan ng Hunyo sa Makati, ayon sa kapulisan.

Sinabi nila na ang kaso ni Eaton ay mabilis na nadesisyonan dahil sa seryosong kampanya ni Pangulong Duterte laban sa droga at ito ay nagtagal lamang ng 3 buwan. Ang kampanya ng administrasyong Duterte ay nagbunga ng kamatayan ng 3,000 katao at umani ng batikos sa buong mundo dahil sa nasabing extra judicial killings.

Pinabilis ng  hudikatura ang prosekusyon ng mga kasong may kinalaman sa droga, at ang mga kapulisan ay higit na naging aktibo upang malutas nang mabilisan ang mga kasong may kinalaman sa droga, sabi ni Enrico Rigor, legal head ng anti-illegal drugs group ng national police.



Ang mga kaso ng droga ay kadalasang inaabot ng mga taon bago maresolbahan, dadgad pa ni Rigor.

Si Duterte, 71, ay nanalo sa eleksyon sa pangakong wawakasan ang problema sa droga sa pamamagitan ng pagpatay sa libo-libong kriminal upang iiwas ang Pilipinas sa pagiging narco-state.

Ipinangako din niya na ibabalik nya ang death penalty sa kabila ng katotohanang ang Pilipinas ay isang Kristiyanong bansa.

Pinanindigan ni Eaton ang kanyang pagkainosente.

Loading...
“I walked into the building, I was jumped from behind, told I’m arrested,” pagpapaliwanag nya sa mga reporters pagkatapos ng kanyang pagkakaaresto.

Dagdag pa nya, “I was searched. I had nothing on my body. I never had anything. I think I was just in the wrong place at the wrong time.”

Ayon sa korte, dated August 31, ang kanyang pagtanggi o alibi ay madali lamang gawin na syang kadalasang sinasabi bilang depensa.

Si Eaton ay inaresto kasama ang isang Australian na si Damian Berg, na tumanggi ring aminin na nagbebenta ng ecstasy.

Ang conviction ni Eaton ay na-announce ng kaparehong linggo ng pagkakadakip sa dalawa pang celebrities na nasabing nagbebenta rin ng droga.


Loading...

Post a Comment

 
Top