0

Sa pamamagitan ng umbilical cord transplant ng isang taong may genetic resistance sa HIV, naniniwala ang Spanish medical professionals na malulunasan nito ang virus, na napatunayang epektibo sa isinagawang eksperimento sa isang pasyente.

Isang lalaking 37 taong gulang sa Barcelona na may HIV ay nalunasan noong 2009 sa pamamagitan ng nasabing medical procedure.

Bagamat ang lalaki ay namatay sanhi ng cancer makaraan ang tatlong taon dahil sa pag-develop ng lymphoma, ang Spanish medical team ay lubos pa ring nabuhayan ng loob dahil ang nasabing medical procedure ay isang breakthrough sa paglaban sa nakahahawang sakit na HIV at ang mga katulad na mga sakit ayon sa El Mundo, isang Spanish news source.



Sinubukan ng mga doctor sa Barcelona na gawin noon ang nasabing technique kay Timothy Brown na isang HIV patient na may leukemia bago isagawa ang medical procedure, ayon sa Spanish news site na The Local. Si Brown ay nabigyan ng bone marrow mula sa isang donor na may natural na resistance sa HIV. Pagkatapos ng cancer treatment, ang HIV virus sa kanyang katawan ay nawala rin.

Ayon sa The Local, ang CCR5 Delta 35 ang nakakaapekto sa protein sa white blood cells na nagbibigay ng HIV resistance sa isang porsiyento ng populasyon.

Bago sumailalim sa transplant, ang dugo ng isang pasyente ay nasisira dahil sa chemotherapy bago sila ay mapalitan ng bago, sumasabay ngayon dito ang mutation. Ibig sabihin, ang HIV virus ay wala nang kakayahan na kumapit pa sa mga bagong mutated cells. Sa case ng pasyente sa Barcelona, ang stem cells ng isang donor ang ginamit upang mapabilis ang prosesyo ng regeneration.

Loading...
Labing isang araw matapos ang transplant, ang pasyente sa Barcelona ay naka-revover agad. At matapos ang tatlong buwan ay napatunayang magaling na sa sakit na HIV.

Ang naturang medical procedure ay nagbigay ng pag-asa sa paggamot sa HIV at ngayon ay isinusulong na bilang isang proyekto para ma-develop sa tulong ng National Transplant Organization ng Spain.

Ngayon, ang October 2016 ay itinatag bilang kauna-unahang clinical trials para sa umbilical cord transplants para sa mga HIV patients na meron ding cancer sa dugo. Ayon kay Javier Martinez, isang virologist mula sa research foundation na Irsicaixa, ang clinical procedure ay para lang talaga sa mga HIV patients pero malaki ang posibilidad na makatutulong din ito sa pagpapagaling sa HIV.


Loading...

Post a Comment

 
Top