0

Nasa 30 celebrities na nasa drug watchlist ang hawak na ngayon ng pambansang kapulisan kaugnay na rin ng pinalakas na anti-drug campaign ng ­administrasyon.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Philippine National Police (PNP) Chief P/Director General Ronald ‘Bato’ dela Rosa base sa hawak ng PNP na isinumite na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa, hawak na ni Pangulong Duterte ang listahan ng mga celebrity na sangkot sa iligal na droga.



Aniya, bukod sa 30 pangalan ng mga celebrity na kaniyang isinumite sa MalacaƱang ay may sarili ring listahan si Pangulong Duterte.

Sinabi ni Dela Rosa na ang pangalan ng mga celebrity ay mula sa mga ikinanta ng mga nasakoteng celebrities na nagbebenta ng iligal na droga na kinabibilangan nina Sabrina M at Krista Miller, pawang mga sex ­nymphets.

Pansamantalang hindi naman pinangalanan ni Dela Rosa ang 30 narco-celebrities na umano’y nagbebenta ng iligal na droga.

Loading...
Hindi rin nito binanggit kung saang mga showbiz kaugnay ang mga ito.

“Ilan ‘yung celebrities – ‘yung sa akin sa NCRPO na sinubmit sa akin around 30, separate pa kay Presidente – baka iba ‘yun, mas marami ‘yung kay Presidente”, ayon pa kay Dela Rosa.

Magugunita na nitong buwan lamang ay nasakote sa magkakahiwalay na anti-illegal drug bust operations sa Quezon City sina Krista Mil­ler at ­Sabrina M.

(Abante).


Loading...

Post a Comment

 
Top