0

Inaalam na ng Pasig police kung may kaugnayan sa iligal na droga ang pagbaril sa aktor na si John Wayne Sace at kasamahan nito kagabi sa lungsod ng Pasay.

Patuloy na inoobserbahan sa Rizal Medical Center si Sace na nagtamo ng sugat sa bewang nang barilin ng riding-in-tandem sa Barangay Sagad, Pasig.

Patay naman ang kasama ng aktor na si Erik Sabino.



Sinabi ni Pasig police chief S/Supt. Orlando Yebra, naghihintay sina Sace at Sabino sa kanilang kaibigan nang dumaan ang mga suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Ayon kay Yebra, ang aktor at si Sabino ay nasa drug watchlist ng barangay.

Dati nang sumuko sina Sace at Sabino sa Oplan Tokhang ng pamahalaan.

Loading...
Si Sace ay dating miyembro ng dance group na Anime, naging bahagi ng mga pelikula kagaya ng "Dekada 70," "Kutob," "Don't Give Up On Us," at "Matakot Ka sa Karma".

Naging tampok din noon si John Wayne sa ilang TV series ngunit tatlong taon nagpahinga sa showbiz at noong nakaraang taon lang nakabalik muli.
Una nang inamin ng aktor na siya ay gumamit ng iligal na droga dahil umano sa mga problema.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top