0

Nagkamali umano ang Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakakilala sa Estados Unidos.

Sinabi ni Pangulong Duterte, inakala daw nitong kaibigan ang Amerika hanggang simulan siyang batikusin nang kaliwa't kanan.



Ayon kay Pangulong Duterte, tuwing iniinsulto daw siya ng Amerika, parang Pilipinas na rin ang kinakastigo dahil siya ay halal na pangulo ng Republika.

Pero tiniyak ni Duterte na kahit kakalas ang U.S., hindi raw magugutom ang bansa.

Nariyan naman daw ang China at Russia na handang tumulong kapag nagkasiraan na ang Pilipinas sa U.S.

Loading...
"So when I was being attacked left and right... I thought that America was a friend. But without even really studying the matter, itong human rights ng Amerikano and even Obama at saka ang State Department started to... you know, small as I am, I am your President and I represent the Republic of the Philippines. 'Wag naman sana sa pagkatao ko. But every time you insult the Philippines or you reprimand or castigate me in public, you are really crucifying the Filipino people," ani Pangulong Duterte.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top