0

Isang model sa Israel ang natuklaw ng ahas ngunit sa halip na siya ang mamatay sa kamandag, ang ahas pa ang namatay dahil sa pagkalason.

Naging viral na sa internet ang video ng Israeli model na si Orit Fox kung saan makikitang hawak-hawak nito ang ahas habang kinukunan ng mga photographer para sa isang photoshoot.



Nangyari ang panunuklaw nang sinubukan ni Fox na halikan ang ahas. Mukhang nagalit ang ahas sa tangkang paghalik ng model kaya tinuklaw nito si Fox sa kanyang kanang dibdib.

Hindi kaagad bumitaw ang ahas sa pagkakasakmal sa kanang dibdib ni Fox kaya kinailangan pa niya ng tulong ng ibang tao para alisin ito mula sa pagkakakagat sa kanya.

Loading...
Ilang segundo pa ang hinintay ni Fox bago bumitaw ang ahas mula sa kanyang dibdib.

Kahindik-hindik man ang nangyari sa model ay mapalad pa rin siya dahil sugat lamang ang kanyang tinamo mula rito.


Bukod sa kinailangan ng model na magpaturok ng tetanus shots ay nasa maayos siyang kalagayan dahil walang kamandag ang ahas.

Sa huli ay ang ahas pa ang namatay nang malason ito mula sa silicone breast implants na nasa dibdib ni Fox.

(Philstar).



Loading...

Post a Comment

 
Top