0

Maging ilang local celebrities ay kanya-kanyang reaksyon kaugnay sa mga matatapang na pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang huli ay naghamon pa sa Estados Unidos at European Union (EU).

Tulad na lamang ng singer/actress na si Agot Isidro na pinapanindigan ang pagtawag kay Duterte na "psychopath" o wala sa tamang pag-iisip.

Ayon kay Isidro, hindi tamang mandamay si Duterte pagdating sa usapin ng pagkagutom ng mga mamamayan ng Pilipinas.



Pasaring ito ng "Sa Isip Ko" singer matapos hamunin ni Duterte ang EU at Amerika na i-withdraw na lahat ng kanilang ayuda sa bansa.

Sinagot naman ito ng aktres ding si Elizabeth Oropesa sa pamamagitan ng kanyang larawan habang suot ang statement shirt na may nakalagay na, "It's a Duterte thing you wouldn't understand."

Pero ngayong araw ay mistulang kumampi naman kay Agot si Cherry Pie Picache sa pagsasabing hindi naman siya sang-ayon sa extra-judicial killings sa bansa.

Loading...
Aniya, hindi tama na idaan sa karahasan at pagpatay ang mga krimen sa bansa.

Minsan na raw siyang namatayan ng ina ngunit ayaw pa rin sa death penalty dahil gusto nitong lumaki ang kanyang mga anak sa malaya at democratic society.

"We're artists, we're in arts and culture, but we have our own minds, conviction and principles," wika ni Picache. "Let us continue praying because our country needs it now."

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top