0

Sa gitna ng gusot sa relasyon ng US at Pilipinas, kakayanin pa rin daw ng sandatahang-lakas ng bansa kahit na bawiin na ng Amerika ang ayudang ibinibigay nito, pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana nitong Biyernes. 

Nais umano ng Pilipinas na bumili ng mga armas mula sa China at Russia at wala rin naman umanong "adverse reaction" mula sa hanay ng militar sa nais ni Pangulong Duterte na bawasan na ang pagdedepende ng AFP sa tulong ng US.

Ngunit sa ulat ng Reuters, sinabi rin ni Lorenzana na maaaring "misinformed" lamang si Pangulong Duterte sa pagsabing walang pakinabang ang Pinilinas sa military exercises kasama ang mga sundalong Amerikano.



Sa isang banda, sinabi rin niya nitong Biyernes sa foreign correspondents' forum na hindi sapat ("not that much") ang US military aid sa Pilipinas, at maaari umanong hilingin ng militar sa Kongreso na punan ang kakulangan na aabot sa $50 hanggang $100 million.

Matatandaang sinabi ni Duterte noong Huwebes sa kanyang pahayag sa Butuan City na sakaling patuloy na tututulan ng US at ng European Union ang kanyang kampanya laban sa droga at magpasyang putulin na ang ayuda ng mga ito sa bansa, hindi umano magmamakaawa ang Pilipinas sa kanila.

Loading...
"I do not expect human rights, I do not expect Obama, I do not expect the EU to understand me. Do not understand me. And if you think it's high time for you to withdraw assistance, go ahead. We will not beg for it," pahayag ni Duterte.

“Ano ang [tingin] ninyo sa amin? How do you look at us? Mendicants? Na magsige lang sunod-sunod kami?” dagdagni Duterte. “We will survive. We will survive as a nation,” giit niya.

(GMA News).


Loading...

Post a Comment

 
Top