0

Pormal nang magsasanib puwersa ang AFP at MILF para sa 'all out war' kontra illegal drugs ng gobyernong Duterte.

Tututukan ng AFP at MILF ang mga grupong nasa likod nang pagkalat ng droga sa Central Mindanao.



Ayon kay Noly Samarita commander ng 602nd brigade sa Carmen, Cotabato katuwang nila sa mga operasyon kontra droga partikular sa Loguasan Marsh ang mahigit 700 miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces na karamihan ay mula sa 118th MILF base command.

Ang tinutukoy ni Samarita ay grupo ni Moks Magsal alias commander Madrox na pinuno ng lost command group na sangkot sa illegal activities kabilang ang bentahan ng droga.

Loading...
August 14 nang maglunsad ng malaking operasyon ang AFP subalit nakatakas si Madrox patungong Liguasan Marsh at napatay ang tatlong sundalo sa ginawang ambush ng grupo sa mga otoridad.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top