0

Inalerto ng Police Regional Office Central Visayas ang mga residente sa rehiyon matapos umanong makapasok sa kanilang lugar ang hindi bababa sa anim na miyembro ng bandidong Abu Sayyaf Group.

Ayon kay Supt. Julian Entoma, hepe ng regional Intelligence Division ng PRO-7, pinamumunuan umano ang naturang grupo ng isang Commander Messiah.



Ang naturang grupo umano ay nagpa-planong maglunsad ng mga kidnapping activities sa lugar.

Inaalam na rin nila aniya kung bahagi ng plano ng bandidong grupo na maglunsad ng mga pambobomba sa Cebu.

Loading...
Upang mapigilan aniya ang plano ng mga ito, pinakikilos na ng pulisya ang kanilang intelligence network upang matukoy ang kinaroroonan ng mga suspek.

Hiningi na rin nila aniya ang tulong ng Muslim community sa Cebu at maging ang management ng mga malls at iba pang establisimiyento sa lalawigan upang matiyak na hindi sila malulusutan ng anumang terror o criminal attack.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top