0

Ginahasa muna bago pinatay ang isang musmos na 7 taong gulang na batang babae, na natagpuan na lamang ang bangkay sa Tugatog Cemetery sa Brgy. Tugatog Malabon City.

Kinilala ang biktima na si Ella Ramos, habang arestado naman ang suspek na si Jay Ar Payawal, 31-anyos, na pedicab driver at ninong pa ng biktima.

Lumalabas sa imbestigasyon ng Malabon Police, alas-8:00 ng gabi ng Biyernes, nakipag-inuman pa ang suspek sa mga kapitbahay.



Niyaya umano ng suspek ang bata na kumain sa isang kainan malapit sa kanilang lugar, at pinayagan naman ng magulang dahil kakilala naman nila ang suspek.

Ngunit makalipas ang isang oras, natagpuan na ng mga mangangalakal ang labi ng bata na duguan ang maselang bahagi ng katawan at wala ng saplot pang-ibaba, habang nakabusal ang underwear nito sa kaniyang bibig.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pagkaka-untog sa ulo ang ikinasawi ng bata.

Inaresto na ng pulisya ang suspek dahil siya ang huling nakasama ng bata bago mangyari ang krimen.

Loading...
Mariin namang itinatanggi ni Payawal na siya ang gumawa ng karumaldumal na krimen sa batang biktima, ngunit nakitaan ng dugo ang kaniyang suot na shorts, at puro gasgas rin ang kaniyang tuhod.

Giit pa ng suspek, hindi niya alam kung paano nagkaroon ng dugo ang kaniyang suot na shorts.

Napag-alaman rin na adik sa ipinagbabawal na droga ang suspek na una nang sumuko sa Oplan Tokhang.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng Malabon police sa insidente, at aalamin rin nila kung magtutugma ba ang mantsa ng dugo na natagpuan sa shorts at katawan ng suspek, sa dugo ng biktima.

(Radyo Inquirer).


Loading...

Post a Comment

 
Top