0

Nakakulong na ngayon ang 33-anyos lalaki sa selda matapos gahasin ang sarili niyang kapatid sa bayan ng Dumaliano lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ayon sa report ng Police Regional Offuce (PRO-9) lasing na lasing ang suspek na si Marlon Balate nang gawin nito ang krimen sa kanyang 19-anyos na babaeng kapatid.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na bago nangyari ang krimen ay nakipag-inuman pa ang suspek sa isa pa nilang kapatid na lalaki.



Nang malasing ay ginigising umano ng suspek ang kanyang natutulog na babaeng kapatid at sinabing hahanapin nila ang lve-in partner ng biktima na hindi pa nakauwi.

Subalit habang naglalakad na umano sila at pagdating nila sa may maisan at dito na umano tinutukan ng patalim ng suspek ang kanyang kapatid at nagawa ang panggagahasa.

Matapos ang krimen ay nagsumbong naman ang biktima sa kanilang ina at nakahingi kaagad ng tulong sa himpilan ng pulisya.

Loading...
Sa follow-up opeartion ay naaresto ng mga pulis ang susepk sa kanilang bahay.

Ayon sa pulisya, base sa kanilang interogasyon sa suspek, inamin umano nito na ginahasa niya ang kanyang sariling kapatid dahil sa sobrang kalasingan.

Sinampahan na ng kasong rape ang nakakulong na suspek.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top