0

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa tatlong kalalakihang sinasabing suspek sa pag Gang Rape at pagpatay sa 13 anyos na dalagita sa Brgy. Lacunon, T'boli, South Cotabato.



Maalalang ginahasa at brutal na pinatay ang biktima na si Jonamay Timan noong Setyembre 28, 2016 at natagpuan na lamang ang bangkay nito sa taniman ng saging sa nasabing brgy. kung saan nagtamo ng 19 na saksak sa katawan at pintulan pa ng kamay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay P/C Insp. Jose Marie Simangan, hepe ng T'boli PNP na kasali sa mga suspek ang security guard ng SUMIFRU na isang banana plantation kung saan may edad na 25-30 anyos samantala ang dalawang suspek naman ay nasa 40-55 anyos.

Loading...
Napag-alaman din na isa sa mga suspek ay may koneksyon sa iligal na droga samantala ang isa naman ay ex-convict at kakalabas lamang ng kulungan.

Hustisya naman ang sigaw ng pamilya ng nasabing biktima dahil sa malagim na sinapit ng kanilang anak.

(Bomboradyo).


Loading...

Post a Comment

 
Top