0

Trahediya ang sinapit ng isang bagong silang na sanggol sa ospital nang maputol ang dalawang daliri sa kaniyang paa nang magupit ng isang nurse sa Pagadian City.



Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabing gugupitin lang sana ng nurse ang plaster sa paa ng sanggol pero kasamang nagupit nito ang dalawang daliri ng bata.

Loading...
Kaagad daw na inoperahan ang sanggol pero isang daliri na lang ang naibalik.

Sinampahan naman ng reklamo sa piskalya ang nurse.

Samantala, pinag-iisipan na rin umano ng mga magulang ng sanggol na idemanda ang ospital. 

(GMA News).


Loading...

Post a Comment

 
Top