0

Isang 10-taong gulang na batang babae ang natagpuang patay, nakahubad at duguan sa damuhan sa Barangay Bal-ason, Gingoog City, noong Martes ng umaga.

Noong Lunes, habang pauwe galing eskwelahan ang biktimang grade 5 ay niyaya sya ni Ferlan Quiraban, 19, at kapatid nito,17, na manguha ng prutas malapit sa lugar.

Ang magkapatid na kaibigan umano ng biktima ang syang nang-rape at pumatay sa batang babae.

Ayon sa mga pulis, ginamit pa ang panty ng bata upang sakalin ito hanggang sa mamatay.



Ang mga suspek ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Gingoog City Police station.

Itinanggi naman ng mas nakakatandang Quiraban ang akusasyon sa kanila at sinabing ang kapatid lang nya ang gumawa ng krimen. Sa huli, inamin naman nya na hinawakan lang nya ang biktima habang ginagahasa ito ng kanyang kapatid bago pinatay.

Ayon naman sa imbestigasyon ni Police Inspector Marilyn Pimentel ng Gingoog City Police WCPD, sinabi nito na ang magkapatid ang gumahasa at pumatay sa biktima.

Loading...
Inamin rin ng nakababatang kapatid na isa syang runner ng shabu sa kanilang barangay.

Humihingi naman ang pamilya ng biktima ng hustisya para sa pagkamatay ng kanilang mapagmahal, maalalahanin at responsableng anak, at nangangarap mag-abroad balang-araw upang makatulong sa kanyang pamilya.

Ang magkapatid na Quiraban ay nahaharap sa kasong rape at murder charges. Ang nakakabatang suspek na 17-taong gulang pa lang ay dadalhin naman sa DSWD.

(ABS-CBN).


Loading...

Post a Comment

 
Top