0

Naglaan ng sapat na pondo ang Philippine National Police (PNP) para makapag-practice sa pagbaril ang mga pulis.



Kasunod ito ng pagbuhay ni PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa sa firearms proficiency test para sa mga pulis.


Ayon kay Senior Supt. Dionardo Carlos, Spokesman ng PNP, bibigyan ng reloading machines o sapat na bala ang bawat rehiyon at probinsya para sa training ng mga pulis.

Gayunman, seryoso anya si Dela Rosa na disarmahan ang mga pulis na babagsak sa kanilang proficiency test.

(DWIZ).

Post a Comment

 
Top