0

Maaaring makasuhan ng “perjury" si Edgar Matobato matapos niyang isangkot si Pangulong Rodrigo Duterte sa serye ng mga patayan noong Huwebes, Setyembre 15, sa isang pagdinig ng senado.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre na hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ni Matobato at ang mga ebidensya ay kaduda-duda rin.


Ipinagtataka din umano ni Aguirre ang sinabi ni Matobato na hindi siya nagsumite ng affidavit kahit na nasa ilalim siya ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ sa loob ng tatlong taon. 

Ayon kay Aguirre isang requirement ang pagpapasa ng affidavit ng isang taong nais sumailalim sa WPP ng DOJ.


Sa palagay ni Aguirre ang dahilan kaya ayaw niya ilabas ang affidavit ni Matobato ay sapagkat hindi magkakatugma ang sinabi niya sa Senado sa nakalagay sa affidavit niya.

(Brigada).

Loading...

Post a Comment

 
Top