0

Itinaas na sa P3 Million pesos ang reward sa sinumang makakapagturo at makaka-aresto sa pangunahing suspek sa naganapna pagpapasabog sa Davao City night market noong Biyernes ng gabi.

Sinabi ni Public Safety and Security Command Center Chief Benito de Leon na itinaas ni Davao City Mayor Sarah Duterte ang reward para mas mapabilis ang paghuli sa mga nasa likod ng pagpapasabog.



Nauna nang sinabi ni Duterte na P1 Million ang ibibigay niya sa sinumang makakapagturo sa kinaroroonan ng mga suspek at P1 Million sa sinumang makaka-aresto sa kanila.


Kanina ay sinabi ni Philippine National Police (PNP) Chief Ronald dela Rosa na kilala na nila ang isa sa mga suspek sa pambobomba pero pansamantala munang hindi niya sinabi ang pangalan nito.

Pero sinabi ni dela Rosa na kabilang ang suspek sa isang terror group.

Nakilala ang naturang suspek base na rin sa mga ibinigay na impormasyon ng ilang mga saksi sa pambobomba.

(Radyo Inquirer).

Post a Comment

 
Top