0

Muling nagkabakbakan ang militar at Abu Sayyaf sa Patikul Sulu, isang linggo matapos mapatay ng mga bandido ang 12 sundalo.



Ayon kay Major Felimon Tan, Spokesman ng Western Mindanao Command, tinatayang 20 abu sayyaf ang naka-engkwentro ng tropa ng 45th Infantry Batallion.


Nagsimula ang labanan pasado alas-6:00 kaninang umaga at nagpapatuloy ang pagtugis sa mga tumatakbong bandido.

Napag-alamang ipinag-utos na ng militar ang pagpapakawala ng artillery fire sa Abu Sayyaf.

(DWIZ).


Post a Comment

 
Top