0

Dumarami ang mga napapatay na sangkot sa ilegal na droga dahil nasa tinatawag na “silencing stage” na ang mga sindikatong nasa likod ng operasyon nito sa bansa.

Ayon kay Pa­ngulong Rodrigo Duterte, may tinatawag na ‘silencing stage’ kung saan bago pa man sila ikanta ay inuunahan na ang mga narco-police na patayin ang mga dealer o runner nila ng ilegal na droga.



“Yan ang totoo. Ngayon alam ko na. Sino’ng nagpatay? May mga patay, marami, and legitimate police action. Meron ding napatay ang mga military sa Mindanao, it’s a purely military undertaking a police action. ‘Yung iba, ‘yung binabalot, sino’ng nagpatay? Alam mong marami silang karibal. The most sabihin niyo ito sa mga p***** i*a bantay kayo sa akin pag ano ninyo dito,” paghahayag ng Pangulo sa harapan ng mga miyembro ng Philippine National Police Regional Office 12 sa Brgy. Tambler, General Santos City kamakalawa.

“Di ba nila alam na pati mga police generals at police involved? At lahat ‘yung pinatay, nagpatayan sila because unahan na nila kasi these guys will be his killers. Nagpapatayan sila kung sino’ng kay (ret. Gen. Marcelino) Garbo, sino’ng kay (Ret. Gen. at Bantayan Mayor Vicente) Loot,” sabi pa ni President Digong.

(Abante).


Loading...

Post a Comment

 
Top