0

Ayon kay incoming Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) chairman Martin Diño, nasa mahigit 50 celebrities na ang kasali sa listahan ni Pangulong Duterte na sangkot sa iligal na Droga.

Sinabi rin ni Diño, sa isang press conference sa Quezon City, na karamihan sa mga celebrities ay gumagamit ng 'party drugs' at mahigit 10 sa kanila ay pinaghihinalaang mga drug pushers.



Itinanggi namang pangalanan muna ang mga nasabing celebrities. Ang ilan sa kanila ay sinasabing nakapag-drug test na.

Noong isang linggo, kinumpirma naman ni National Capital Region Police Office director Chief Superintendent Oscar Albayalde na hawak na ng pulisya ang listahan ng mga celebrities na pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.

Ayon kay Albayalde, ang mga pangalang kanilang nakuha ay galing sa mga impormasyong nakuha nila sa mga nahuling drug suspects.

Ayon sa NCRPO, ang mga pangalan ng celebrities ay isasapubliko depende sa desisyon ng Pangulong Duterte o ni Philippine National Police chief Ronald dela Rosa.


Loading...

Post a Comment

 
Top