0

Wasak ang tiyan ng 86-anyos na lolo matapos itong pagtatagain at kinunan pa ng internal organs ng kanyang apo sa San Roque, Talibon probinsya ng Bohol kaninang madaling araw.



Ayon kay PO3 Gabison ng Talibon Police Station, nakaupo lang ang matandang biktima na si Cimplecio Ytim sa tapat ng bahay ng ama ng suspek na kinilalang si Jeffrey Ytim, 30, nang bigla na lang umanong lumapit ito sa biktima at pinagtataga ang matanda at kinunan pa ito ng lamang loob.

Loading...
Inamin naman ni PO3 Gabison na mistulang kakatwa ang kanilang imbestigasyon sapagkat sinabi ng suspek na naging aswang umano ang kanyang lolo at lumipad pa ito kaya niya pinagtataga gamit ang isang kalawanging itak hanggang sa mapatay niya ito.


Loading...

Post a Comment

 
Top