0

Nagtataka si Senate Majority Floor Leader Tito Sotto kung bakit may ilan pa ring naniniwala sa kredibilidad ni Edgar Matobato.

Ito ayon kay Sotto ay matapos lumitaw kahapon sa pagdinig ng senate justice and human rights committee na hindi talaga credible si Matobato.



Marami aniya ang nabago at pa iba iba ang naging pahayag ni Matobato sa pagdinig kahapon kumpara sa unang pagharap nito sa komite.

Sinabi ni Sotto na kung wala naman silang makikitang angkop na legislation para sa mga isinisiwalat ni Matobato hindi na ito kailangang paharapin pa sa susunod na hearing.

Sinasabing sa susunod na pagdinig ng komite ay haharap ang iba pang miyembro umano ng DDS o Davao Death Squad.

(DWIZ).


Loading...

Post a Comment

 
Top