0

Nakatakdang tumestigo ang convicted robber at drug dealer na si Herbert “Ampang” Colangco laban kay Sen. Leila de Lima sa isasagawang Congressional inquiry sa susunod na linggo.

Ito ay may kaugnayan sa paglaganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prisons.


Ayon kay Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II, kabilang si Colangco sa hindi bababa sa sampung high profile inmates na magsisilbing mga testigo.

Pumayag aniya ang mga ito na maging testigo sabay giit na walang naging kasunduan kapalit ng kanilang mga testimonya.

Si Colangco ay kabilang sa mga drug convicts sa loob ng Maximum Security Compound ng NBP na patuloy pa rin nakakapagsagawa ng drug operation sa loob ng piitan kahit pa nakakulong ito.


Kabilang din ang pangalan ni Colangco sa drug matrix na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod kay Colangco, kasama rin sa naturang matrix si De Lima at ang kanyang dating driver na si Ronnie Dayan at isa pang drug convict na si Peter Co.

Sinabi rin ni Aguirre na bukod sa mga high profile inmates, magsisilbing testigo rin laban kay De Lima ang isang dating NBI director at agents.

(Radyo Inquirer).

Loading...

Post a Comment

 
Top