0

Hinimok ni US President Barack Obama si Pangulong Rodrigo Duterte na gawin ang kaniyang kampanya laban sa iligal na droga sa tamang paraan.

Paliwanag ni Obama, bagaman nakakagalit ang mga krimen na nagagawa ng mga nadadawit dito, kailangan pa ring tiyakin na ginagawa ito sa tamang pamamaraan.



Ito ang isinagot ni Obama sa mga reporter nang tanungin siya tungkol sa mga napag-usapan nila ni Duterte sa sidelines ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa Laos.

Dagdag pa ni Obama, kung gagawin ang kampanya laban sa iligal na droga sa maling paraan, maraming inosente ang posibleng masaktan o madamay bilang kapalit nito.


Dahil dito, maari pang maraming dumating na “unintended consequences” na hindi naman makakatulong sa pag-resolba sa problema.

Matatandaang ang naging dahilan ng pagkakaroon ng tensyon sa pagitan ng dalawang pangulo ay nang magbitiw ng maaanghang na pahayag si Duterte laban kay Obama.

Gayunman, nagkaroon na rin ng sandaling pagkakataon ang dalawa para magkamayan at makapag-usap bago ang gala dinner sa ASEAN summit.

(Radyo Inquirer).


Post a Comment

 
Top