0

May pasabog na ebidensya si Senator Antonio Trillanes na susuporta sa mga testimonya ni Edgar Matobato hinggil sa extrajudicial killings (EJK).

Ayon kay Trillanes itong Linggo, kanyang ipipresenta sa susunod na pagdinig sa Senado ang mga magpapatibay sa sinumpang salaysay ni Matobato kunsaan sinabi ng huli na sangkot sa EJK si Pangulong Rodrigo Duterte.



Ang ihaharap na ebidensya ng Senador ay bunga ng pagkakaroon nito ng sariling imbestigasyon sa naturang kaso.

“Habang ‘yung mga kasamahan natin ay nakatutok kung paano bubutasan si Mr. Matobato, ako nagkalap ng mga ebidensya at impormasyon to validate ang mga sinasabi niya,” ani Trillanes sa panayam sa radyo. “May nakuha tayong mga impormasyon at ipapakita natin ‘yan sa mga darating na araw para makita na rin nila na itong si Mr. Matobato ay nagsasabi ng totoo.”

(Abante).


Loading...

Post a Comment

 
Top