0

Nagsagawa ng public apology ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte kay Pangasinan Rep. Amado Espino kaugnay sa pagpapangalan nito bilang sangkot sa iligal na droga.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang paghingi ng paumanhin kay Espino sa isinagawang inspeksyon sa umano'y shabu laboratory sa Lacquios, Arayat, Pampanga.



Sinabi ni Pangulong Duterte, wala siyang "pride" para hindi umamin ng pagkakamali at mula sa puso siyang nagso-sorry sa dating gobernador.

Ayon kay Pangulong Duterte, bagama't ilang beses lumabas sa PNP, DILG at PDEA report ang pangalan ni Espino, wala siyang makitang link o koneksyon para madiin ito sa illegal drugs operations.


Naniniwala si Duterte na maaring tsismis, paninira o sinadyang ilagay lamang ang pangalan ni Espino sa drug list pero walang maibigay na katibayan.

Sa kabila nito, wala raw sinisisi si Pangulong Duterte sa kanyang mga opisyal o source ng narco-list bagkus kanyang inaako ang buong resonaibilidad at handa nitong harapin ang anumang kasong isasampa laban sa kanya.

Loading...
Sa isyu naman ng "black sand mining" kung saan nakasuhan na si Espino ng plunder, hindi daw siya mag-apologize.

Maliban kay Espino, nag-sorry din ang pangulo kina Raffy Baraan, kapatid ni dating Justice Undersecretary Francisco Baraan III at kay Board Member Raul Sison na una na ring nadawit sa narco-list.

(Bomboradyo).



Loading...

Post a Comment

 
Top