0

Hinimok ni PNP Chief Ronald Bato Dela Rosa ang publiko na magkaisa at huwag magpapatalo sa mga terorista kasunod ng naganap na pagsabog sa Davao City night market.



Sa press conference, sinabi ni Dela Rosa na kailangang magtulungan ang lahat upang matagumpay na malabanan ang bandidong grupo.


Sinabi ni Dela Rosa na isumbong lang sa kanila ang anumang banat na matatanggap upang agad na maaksyunan ng PNP.

Pinayuhan naman ni Dela Rosa ang lahat na maging kalmado at ituloy ang normal na pamumuhay kasabay ng pagtitiyak na ginagawa na ng PNP ang lahat ng paraan upang masigurong ligtas ang lahat sa banta ng seguridad.

(Brigada).


Post a Comment

 
Top